Secret weapon how to promote your YouTube channel
Get Free YouTube Subscribers, Views and Likes

Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 12 Jul 2024 7a.m.

Follow
Catholic Mass Today Live (CMTL)

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begin
Biyernes ng Ika14 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. July 12, 2024

UNANG PAGBASA
Oseas 14, 210

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas

Ito ang sinasabi ng Panginoon: Israel, manumbalik ka na sa Panginoon na iyong Diyos. Ang pagbagsak mo ay bunga ng iyong kasamaan. Dalhin ninyo ang inyong kahilingan, lumapit kayo sa Panginoon at sabihin ninyo, “Patawarin mo na kami. Kami’y iyong kahabagan at tanggapin. Maghahandog kami sa iyo ng pagpupuri. Hindi kami mailigtas ng Asiria, hindi kami sasakay ng mga kabayo. Hindi na namin tatawaging diyos ang mga larawang ginawa lamang ng aming mga kamay. Sa iyo lamang nakasusumpong ng awa ang mga ulila.”

Sabi ng Panginoon,
“Patatawarin ko na ang aking bayan.
Mamahalin ko sila nang walang katapusan,
sapagkat mapapawi na ang aking galit.
Ako’y matutulad sa hamog na magpapasariwa sa Israel,
at mamumulaklak siyang gaya ng liryo,
maguugat na tulad ng matibay na punongkahoy;
dadami ang kanyang mga sanga,
gaganda siyang tulad ng puno ng olibo,
at hahalimuyak gaya ng Libano.
Magbabalik sila at tatahan sa ilalim ng aking kalinga.
Sila’y yayabong na gaya ng isang halamanan,
mamumulaklak na parang punong ubas,
at ang bango’y katulad ng alak mula sa Libano.
Efraim, lumayo ka na sa mga diyusdiyosan!
Ako lamang ang tumutugon at nagbabantay sa iyo.
Ako’y katulad ng sipres na laging luntian,
at mula sa akin ang iyong bunga.”

Ang mga bagay na ito’y dapat unawain ng matalino, at dapat mabatid ng marunong. Matuwid ang mga daan ng Panginoon, at doon tumatahak ang mabubuti, ngunit madarapa ang mangangahas na sumuway.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 50, 34. 89. 1213. 14 at 17

Pupurihin ko kailanman
ang dakila mong pangalan.

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sangayon sa iyong kagandahangloob
mga kasalanan ko’y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pagibig sa akin!
Linisin mo sana ang aking karumhan
at ipatawad mo yaring kasalanan!

Pupurihin ko kailanman
ang dakila mong pangalan.

Nais mo sa aki’y isang pusong tapat;
puspusin mo ako ng dunong mong wagas.
Ako ay linisin, sala ko’y hugasan
at ako’y puputi nang walang kapantay.

Pupurihin ko kailanman
ang dakila mong pangalan.

Isang pusong tapat sa aki’y likhain,
bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin;
ang Espiritu mo ang papaghariin.

Pupurihin ko kailanman
ang dakila mong pangalan.

Ang galak na dulot ng ‘yong pagliligtas,
ibalik at ako ay gawin mong tapat.
Turuan mo akong makapagsalita,
at pupurihin ka sa gitna ng madla.

Pupurihin ko kailanman
ang dakila mong pangalan.

ALELUYA
Juan 16, 13a; 14, 26d

Aleluya! Aleluya!
Pagdating ng Espiritu,
itataguyod n’ya kayo
sa tanang itinuro ko.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 1623

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Ngayon, sinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong gubat. Maging matalino kayo, gaya ng mga ahas, at matapat, gaya ng mga kalapati. Magingat kayo, sapagkat may mga taong magkakanulo sa inyo sa mga hukuman; at hahagupitin nila kayo sa mga sinagoga. Dahil sa akin, ihaharap kayo sa mga gobernador at mga hari, at magpapatotoo kayo sa harapan nila at ng mga Hentil. Kapag nililitis na kayo, huwag kayong mabalisa tungkol sa sasabihin ninyo o kung paano ninyo sasabihin. Pagdating ng oras, ito’y ipagkakaloob sa inyo. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.

“Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang kapatid upang ipapatay; gayun din ang gagawin ng ama sa kanyang anak. Lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang, at ipapapatay. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin; ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. Kapag inuusig nila kayo sa isang bayan, tumakas kayo sa kasunod. Sinasabi ko sa inyo: hindi pa ninyo napupuntahan ang lahat ng bayan ng Israel ay darating na ang Anak ng Tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
#onlinemass #livestreammass #padrepiomass
Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL)
Parish and National Shrine of Saint Padre Pio Batangas

posted by Prototyp3j