Easy way to get 15 free YouTube views, likes and subscribers
Get Free YouTube Subscribers, Views and Likes

HOLY MASS TODAY | June 9 SUNDAY HOMILY | REV FR DOUGLAS BADONG

Follow
Catholic Mass Today Live (CMTL)

Catholic Holy Mass Today June 9, 2024 Featured Homily Online Mass
Ika10 Linggo sa Karaniwang Panahon
Jun 09 Featured Playback Homily.

MABUTING BALITA
Marcos 3, 2035

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, paguwi ni Hesus, muling nagkatipon ang napakaraming tao, anupat hindi man lamang makuhang kumain ni Hesus at ng kanyang mga alagad. Nang mabalitaan ito ng kanyang mga kasambahay, sila’y pumaroon upang kunin siya, sapagkat ang sabi ng mga tao, “Nasisiraan siya ng bait!”

Sinabi naman ng mga eskribang dumating mula sa Jerusalem, “Inaalihan siya ni Beelzebul, ang prinsipe ng mga demonyo. Ito ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo!” Kaya’t pinapalapit ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila ang ilang talinghaga: “Paano mangyayaring palayasin ni Satanas si Satanas?” Kapag naglabanlaban ang nasasakupan ng isang kaharian, hindi mananatili ang kahariang iyon. At kapag naglabanlaban ang magkakasambahay, hindi mananatili ang sambahayang iyon. Gayun din naman, kapag naghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili at naglabanlaban ang kanyang nasasakupan, hindi magtatagal at darating ang kanyang wakas.

“Walang makapapasok sa bahay ng isang taong malakas at makaaagaw ng kanyang ariarian, malibang gapusin muna niya ang taong iyon. Saka pa lamang niya malolooban ang bahay na iyon.

“Tandaan ninyo ito: maaaring ipatawad sa mga tao ang lahat ng kasalanan at panlalait nila sa Diyos, ngunit ang sinumang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapatatawad. Ang kanyang kasalanan ay hindi mapapawi kailanman.” Sinabi ito ni Hesus sapagkat ang sabi ng ilan, “Inaalihan siya ng masamang espiritu.”

Dumating ang ina at mga kapatid ni Hesus. Sila’y nasa labas ng bahay at ipinatawag siya. Noon nama’y maraming taong nakaupo sa palibot ni Hesus, at may nagsabi sa kanya, “Nariyan po sa labas ang inyong ina at mga kapatid; ipinatatawag kayo.” “Sino ang aking ina at mga kapatid?” ani Hesus. Tumingin siya sa mga nakaupo sa palibot niya at nagwika: “Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang tumatalima sa kalooban ng Diyos; ay siya kong ina at mga kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

posted by Prototyp3j