Get YouTube subscribers that watch and like your videos
Get Free YouTube Subscribers, Views and Likes

It’s Showtime July 11 2024 | Full Episode

Follow
ABS-CBN Its Showtime

This Huwebes, ihahatid ng ‘Showtime’ family ang unli orders of happiness. At walang bayad ‘yan! Libre lang ang ngumiti dito sa “It’s Showtime”. Pakireceive na po ng first parcel n’yo – isang cool na kantahan with FuMi. Si Fumiya Sankai na minahal nating lahat noon sa PBB, nagbabalikPinas bilang performer.

Sa “Karaokids,” bawal mainis kahit struggle is real sa pagintindi sa lyrics. Teamwork lang naman ang kailangan at magfocus lang sa pakikinig, makukuha mo rin ang title ng kantang pinahuhulaan.

Si Meme Vice Ganda, mukhang happy sa performance ng buzzer na natapat sa kanya today. Walang ‘sabotahe’, kaya hanggang jackpot round, maganda ang performance nila ng alagang si Jackie Gonzaga.

Always nahuhulog ang loob sa mas bata. Always din na siya ang mas nagaalaga. Pero sa huli, always din siyang niloloko. ‘Yan ang kwento ni Rona sa “EXpecially For You.”

Talking about her most recent heartbreak, ibinahagi ni Rona na tatlong taon ang tanda n’ya sa ex n’ya. Dahil siya ang nagtatrabaho at si ex ay estudyante pa lang noon, siya ang laging taya sa mga dates nila. Ayos lang naman ‘yun kay Rona. Giftgiving siguro ang love language n’ya. Pero dumating sa punto na maya’tmaya na ang pagbibigay n’ya ng pera at sustento kay ex. May time rin na sinuportahan n’ya maging ang pangangailangan ng pamilya nito. Minsan ay nangungutang pa siya sa iba para may maibigay kay jowa. Pero sa kabila ng lahat ng pagmamahal at aruga na ibinuhos niya, si ‘guy’ nanlamig. At umamin na may side chick.

Moving forward, ready na si Rona na makipagdate ulit. Kasama ang kanyang sisteret, kikilatisin n’ya ang tatlong searchees at pipili kung sino ang kanyang bet.

Dalawang estudyante ang may special assignment for today: Galingan ang pagkanta sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Running for summa cum laude si Lia Mendoza ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Dito sa TNT, high honors din ang goal niya. Uy, si Lia, nagtuturo ng musika sa mga kabataan. Kaya naman si Jackie, nagvolunteer na magpaturo sa kanya!

Hindi binigo ni Ashley Catuiza ang Lobong National High School sa kanyang mahusay at kakaibang rendisyon ng “Lord Patawad.” Bukod sa magaling kumanta, masipag na bata rin si Ashley na tumutulong sa pagtatrabaho ng kanyang mga magulang.

Sino kaya sa kanila ang aangat sa tanghalan?

posted by speljuje6m