Grow your YouTube views, likes and subscribers for free
Get Free YouTube Subscribers, Views and Likes

It’s Showtime July 15 2024 | Full Episode

Follow
ABS-CBN Its Showtime

Tinodo n’yo ba ang pahinga nitong weekend? Today, itodo naman natin ang good vibes at saya. Sino ba namang hindi tatawa ‘pag si Rufa Mae Quinto ang kasama? To the highest level ang performance ni Rufa Mae as a ‘singerist’ for today’s video.

Sa ‘Showtime,’ good vibes ay todotodo, kaya go, go, go na dito!

Lunes n’yo ay punuin natin ng happiness with the ‘Showtime’ family. Kumpleto ang Big 4 ng “Showing Bulilit’ – Argus, Kulot, Jaze at si Kelsey na kamatchymatchy ni Meme Vice Ganda ng OOTD. Sina Jaze at Kulot, nagala Gerald Anderson at Kim Chiu mula sa pelikulang “Paano Na Kaya.” Si Argus naman, may super cute na magic trick!

Mukhang maaasahan ang buzzers sa araw na ‘to. Paunahan na lang sa pagpindot at pagsagot para manalo. Off to a good start sina Vice Ganda at Darren Espanto. ‘Yun nga lang, naunahan sila ng mga kalaban sa kalagitnaan ng laro. Nakahabol sina Kim at Vhong Navarro na umabante sa jackpot round.

Teka, ano ‘tong hirit ni Ogie Alcasid? May pelikula bang “We Had Coffee After Jogging” ang titulo? At si Kim daw ang bida rito? Movie o real life ba ‘yan, Tito Ogie? Spill mo na, dali!

Karma is real, kaya huwag magtaksil kung ayaw mong malasin. Si Cliff, minamalas sa tuwing niloloko ang ex na si Runa kaya bawat pagkakamali ay ‘sorry’ ang naiisip niyang pambawi. Pero nauulit lang ang pagchecheat n’ya, hanggang sa napagod si Runa at nagdesisyon na tuluyan nang putulin ang ugnayan nila.

Relasyon nila’y nagsimula sa isang dance group audition. Tumagal ng labingisang taon. Sa loob ng mahabang panahon, may mga araw na matamis, mapait, malungkot, masaya, lahat na. Paulitulit na nagpatawad si Runa nang makailang beses n’yang mahuli ang mga ‘kasalanan’ ng seamanlolokong nobyo, hanggang sa ang sakit ay naipon at nauwi sa trauma. Alamin ang kwento nila sa EXpecially For You.

Damangdama ang malakas na school spirit. Mga estudyanteng may golden tinig, sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown” umawit.

Kumasa sa hamon ng entablado ang pambato ng Davao Del Norte State College na si Ethinyl Dear Ampo. Wala siyang uurungan pagdating sa singing. Pagkanta n’ya ng “What’s Up,” talagang outstanding.

Hinarana naman ni Vinz Villarosa ng St. Paul UniversityDumaguete ang mga hurado at madlang people. Ikaw na, Vinz! Ikaw na ang excellent sa pagkanta mo ng “Bakit Ba Ikaw.” Si Vinz ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Bituin Escalante, Ogie Alcasid, at Darren Espanto.

posted by speljuje6m