Free views, likes and subscribers at YouTube. Now!
Get Free YouTube Subscribers, Views and Likes

MUNTING PANALANGIN ni

Follow
Quiapo Church

Araw ng LINGGO; Araw ng DIYOS; Araw ng SIMBAHAN.

[Magdasal po tayo] Mahal na Poong Jesus Nazareno, naririto po kami. Nais naming lumapit sa Inyo, nais naming kumapit sa Inyo. Sapagkat kanino pa ho ba kami babaling? Nasa Inyo ang kagalingan, ang kaginhawaan, ang tunay naming hinahanap sa buhay. Nawa, hindi maging panlabas lamang ang aming pagdulog sa Inyo. Hindi maging panandalian lamang ang aming paglapit sa Inyo, bagkus, sa aming pagdulog sa Inyo, ang Iyong kabutihan, ang Iyong pagmamalasakit, ang Iyong kapayapaan at lakas ang siyang manahan sa aking buhay upang ako’y tunay na gumaling, ako’y tunay na magbagongbuhay, ako’y tunay na makasunod sa Inyo.

Mahal na Poong Jesus Nazareno, sana po maramdaman ninyo ang aking dasal, ang aking paghawak, ang aking paglapit sa Inyo. Mahal na Poong Jesus, kaawaan N’yo po kami, basbasan N’yo po kami. Amen! Amen!

MUNTING PANALANGIN ni Rdo. P. Jun Sescon, Jr.
Hunyo 30, 2024 Ika13 Linggo sa Karaniwang Panahon
ST. PETER’S PENCE (Obulum Sancti Petri)

#QuiapoChurch #Prayer #Panalangin #EverythingIsGrace #BiyayaSaQuiapo #JesusNazareno #Nazareno #FrJunNgQuiapo #BlackNazarene #NuestroPadreJesusNazareno #PoongHesusNazareno #Catholic #Katoliko #Pontifex #PopeFrancis #SaintPeter #SaintPetersPence #ObulumSanctiPetri #MinorBasilicaAndNationalShrineOfJesusNazareno

posted by Knies6o