Grow your YouTube views, likes and subscribers for free
Get Free YouTube Subscribers, Views and Likes

OPISYAL NA PAHAYAG

Follow
Imee Marcos

Tauspuso ang aking pasasalamat kay Pangulong Bongbong na,
sa kabila ng galit at labis na kalupitan ng ilan,
ako'y pinagtanggol niya, at naisama pa sa alyansa.

Maraming salamat din sa NP
at sa aking mga kaalyadong patuloy ang pagtangkilik sa akin,
nawa'y manatili ang tiwala ninyo.

35 na taon ng nakalipas ngayong araw mula nung pumanaw ang ama ko,
ngunit buhay na buhay ang mga aral nya sa aking puso.
Kaya't bilang panganay niya,
pinipili kong manindigan nang malaya't matatag, tulad niya;
na wala na dapat kampihan kundi ang Sambayanang Pilipino.

Hindi madaling tumayong magisa,
sa kampanya at sa pulitika…

Ngunit yan ang pamana ng matanda sa akin,
yan ang pamana ni Apo Lakay na ginugunita natin ngayon…

Minabuti kong tumindig magisa upang huwag nang malagay sa alanganin ang aking ading,
para wag nang magalinlangan ang aking mga tunay na kaibigan.

Pinipipili ko na lamang manatiling malaya at tapat—hindi sa isang grupo,
kundi sa bawat Pilipino.
Bitbit ang aking mga nagawa para sa bayan nitong nakaraang termino,
mga batas na aking alay sa taumbayan, at ang katotohanang hindi ako lumihis sa landas at prinsipyo ng aking Ama—

Maglingkod sa Bawat Pilipino nang walang pinapanigan,
maliban sa kapakanan ng Bawat Mamamayan..

Sana ay patuloy ninyo akong unawain at mahalin.

posted by Nisidaqc