Learn how to get Free YouTube subscribers, views and likes
Get Free YouTube Subscribers, Views and Likes

OUR MOTHER OF PERPETUAL HELP |

Follow
Quiapo Church

#FrJunNgQuiapo Homily Excerpt
OUR MOTHER OF PERPETUAL HELP
27 June 2024; Feast Day

Ngayong araw na ito, kapistahan din ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo, Fiesta po ngayon sa Baclaran. Noong nagmisa po ako doon, sabi ko nga po: kung meron mang Simbahan na parang kakambal ng Quiapo, ‘yun ay Baclaran sapagkat doon ang dagsaan ng mga deboto. ‘Yung mga naninigurado, nagnonobena na sa Baclaran, nagsisimba pa sa Quiapo para tiyak ang kanilang dasal.

Bakit tayo lumalapit kay Maria? Bakit makapangyarihan si Maria? Sapagkat katulad ng kapangyarihan na ipinamalas ni Hesus sa Ebanghelyo, puno siya ng hindi lang salita, puno siya ng gawa, puno siya ng grasya sapagkat puno din siya ng kalooban at pamamaraan ng Diyos.

Kung papaano makita natin sa larawan ng Mahal na Ina, kahit ang Batang Jesus Nazareno, tumakbo sa kanya, kumapit sa kanya, lumapit din tayo sa kanya: siya na Ina ng Laging Saklolo. Sapagkat sino ba talaga ang laging saklolo? Sino ba talaga ang tutulong sa atin? Walang iba kundi sa Jesus Nazareno.

#QuiapoChurch #OurMotherOfPerpetualHelp #InaNgLagingSaklolo #AveMaria #BlessedVirginMary #BlessedMother #Catholic #Katoliko #BiyayaSaQuiapo #EverythingIsGrace #JesusNazareno #MinorBasilicaAndNationalShrineOfJesusNazareno

posted by Knies6o