The easiest way to skyrocket your YouTube subscribers
Get Free YouTube Subscribers, Views and Likes

Song for Cardinal Tagle: Pastol ng Kawan

Follow
Ned Nazareno

"PASTOL NG KAWAN"
Fr. Ned P. Nazareno

I
Ang 'yong puso'y kay dalisay, 'yong pagibig sa dukha ay tunay
Sa naliligaw ika'y gabay, ibinabalik ganda ng buhay
Panig sa api at mahihina, pinalalakas at pinalalaya.
Ang pagod 'di alintana, ang 'yong lakas Kanyang Salita.

Koro 1:
Dugong bayani ay taglay mo, dangal ka ng Caviteño
Ikaw ay paring makaDiyos, makabuhay at makatao.
Mapagmalasakit ka sa kalikasan, may pagibig sa Inang Bayan.
Huwaran ka ng kabanalan. Pastol ka ng kawan.

II
Natatangi 'yong karunungan. Ang lahat ika'y hinahangaan.
Mababa ang 'yong kalooban sa gitna ng karangalan.
Kabutihan ng 'yong sarili kailan ma'y 'di ipinagmamalaki.
"Ang Panginoon Iyon!" 'yong wika. Ang Diyos ang S'yang pinupuri. (Repeat Koro 1 then Bridge)

Bridge:
Matimyas ang 'yong pagibig sa Birheng Maria
S'ya'y lakas mo't kagalakan. Reynang iyong sinisinta.

Koro 2:
Dugong bayani ay taglay mo. Dangal ka ng lahing Pilipino
Sa Diyos kami'y nagpupuri, nagpapasalamat para sa'yo.
Ika'y biyayang handog sa Sambayanang Pilipino
Sa puso ikaw ay iingatan, mananatili kailan man,
Ngayon at kailan pa man.

———————————————
“PASTOL NG KAWAN”
Titik at Musika: Fr. Ned P. Nazareno
Tinig nina: Genesis Villaluz & Grace Santiago

posted by Gorianartkz