YouTube doesn't want you know this subscribers secret
Get Free YouTube Subscribers, Views and Likes

SUNDAY LIVE MASS TODAY at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 5 May 2024. 7a.m.

Follow
Catholic Mass Today Live (CMTL)

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Sunday Mass Begins
Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay May 05, 2024
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 10, 2526. 3435. 4448

Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Sinalubong ni Cornelio si Pedro at nagpatirapa sa harapan nito at sumamba. Ngunit sinabi ni Pedro, “Tumindig kayo. Ako’y tao ring tulad ninyo. Ngayon ko lubusang natanto na walang itinatangi ang Diyos. Nalulugod siya sa sinumang may takot sa kanya at gumagawa ng matuwid, kahit saang bansa.”

Nagsasalita pa si Pedro nang bumaba ang Espiritu Santo sa mga nakikinig ng salita. Namangha ang mga mananampalatayang Judio na kasama ni Pedro, sapagkat ang mga ito ay pinagkalooban din ng Espiritu Santo. Narinig nila ang mga Hentil na nagsasalita sa iba’t ibang wika at nagpupuri sa Diyos. Kaya’t sinabi ni Pedro, “Tulad natin, sila’y pinagkalooban din ng Espiritu Santo. Sino pa ang makahahadlang na binyagan sila sa tubig?” At iniutos niyang binyagan sila sa pangalan ni Hesukristo. Pagkatapos, hiniling nila kay Pedro na manatili roon ilang araw.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 23ab. 3kd4

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

o kaya: Aleluya!

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahangahangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

Tapat siya sa kanila at ang pagibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pagawit!

Panginoong nagliligtas
sa tanang bansa’y nahayag.

IKALAWANG PAGBASA
1 Juan 4, 710

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Mga pinakamamahal: Magibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pagibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos, at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pagibig. Inihayag ng Diyos ang kanyang pagibig sa atin nang suguin niya ang kanyang bugtong na Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. Ito ang pagibig: hindi sa inibig natin ang Diyos kundi tayo ang inibig niya at sinugo ang kanyang Anak upang maging handog sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 14, 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal,
tutupad sa aking aral,
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 15, 917

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayon din naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pagibig. Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pagibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako’y nananatili sa kanyang pagibig.

“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati kayo sa kagalakan ko at malubos ang inyong kagalakan. Ito ang aking utos: magibigan kayo gaya ng pagibig ko sa inyo. Walang pagibig na hihigit pa sa pagibig ng isang taong nagaalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo’y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaaring alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. Hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo’y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga. Sa gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob sa inyo. Ito ang inuutos ko sa inyo: magibigan kayo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

posted by Prototyp3j